

HANGARIN NG GIAGFBI
MENSAHE MULA SA FOUNDING INTERNATIONAL CHAIRMAN Eden "PCGS FIC REGIT" Costinar
“MAHALAGANG ANG BAWAT NAGNANAIS MAGING KAANIB NG GIAGFBI AY MADAMA UNA SA KANYANG SARILI ANG PAGMAMAHAL, PAGMAMALASAKIT AT KAPAYAPAAN UPANG MAGING ISANG EPEKTIBO AT PRODUKTIBONG KASAPI. ANG TUNAY NA PAGMAMAHAL SA BAYAN AT LIPUNAN AY NAGMUMULA SA SARILI AT ITO AY MAGBUBUNGA NG PAGMAMALASAKIT LALONG HIGIT SA KAPATID SA BALIKAT AT KAAKIBAT ANG SAKRIPISYO PARA SA KABUTIHAN NG ATING BANSA AT LIPUNAN.
GIAGFBI FRATERNAL BROTHERHOOD
Service Through Strong Brotherhood

KAPATIRANG MAY MALASAKIT SA KAPWA GUARDIANS
Hanggang sa Huling Patak ng Dugo ng mga GUARDIANS
BRIEF HISTORY OF GUARDIANS BROTHERHOOD
Ito ay nabuo noong April 15, 1976 sa Barangay Kidama, Parang, Maguindanao kung saan una itong tinatawag na Diablo Squad (DS) at kalaunan ay naging Diablo Squad Crime Buster (DSCB) ng dahil sa masamang impresyon ng mga mamamayan sa pangalang Diablo Squad. Noong 1983 umaabot na sa 30,000 ang miyembro ng DSCB na lahat ay mga kawal at kawani ng pulisya. Si Pangulong Marcos at si General Ver ay naalarma sa patuloy ng pagdami ng mga kasapi ng DSCB kaya inatasan ni Pangulong Marcos si Fidel Ramos, bilang AFP Chief of Staff na buwagin ito. Ngunit bago magtapos ang taong 1984, ang grupo ay muling nabuo at lumabas ang limang pangalan na maaring ipalit sa DSCB. Ang mga ito ay 1) Defender; 2) Peacemaker; 3) Protector; 4) Vanguard; at 5) Guardians.Sa wakas ang pinili ni GMF Leborio “Abraham” Jangao ay GUARDIANS!
Service Through Strong Brotherhood
GIAGFBI PROMOTES CAMARADERIE
A Guardians is the servant of the People. He must serve the people by rendering rural, community and health services especially in times of calamities and other disasters. Thus, he is to trait everybody with respect and should avoid anything that will scandalize the Association. He sees to it that nothing will destroy the rapport and cooperation between the people and the Association.


THE LEGITIMACY OF RANK
PREMIERE CHIEF GLOBAL SUPREME GRAND MASTER FOUNDER (PCGSGMF)
The Brain and Father of all GUARDIANS Leborio M. “Abraham” Jangao, Jr. (DS-1) marked PCGSGMF rank to the Founding International Chairman (FIC) of Guardians International Auxiliary Group for Fraternal Brotherhood Inc. (GIAGFBI) Eden "Regit" Costinar on February 17, 2017 at Cupang Muntinlupa.
MAKATAO, MAKABAYAN, MAKADIYOS…ITO ANG MGA TUNAY NA GUARDIANS…HINDI KA PUMASOK PARA SA SARILI MONG KAPAKANAN SA GRUPONG PINAGKAISA ANG KATAPANGAN AT PAGLINGAP SA KAPAKANAN NG BAYAN, KALIKASAN O KAPALIGIRAN…IKAW ANG TUNAY NA BANTAY NG BAYAN, TANOD NG MAMAMAYAN, ALAGAD NG KAPALIGIRAN AT ANAK NG KAITAAS-TAASAN!
“KAYA ANG SINO MANG IDIBIDUWAL NA YUMAKAP BUNGA NG KANYANG PANINIWALA SA ADBOKASIYA AT LAYUNIN NG KAPATIRANG GUARDIANS AY ITINATALAGA ANG KANYANG SARILI SA PAGLILINGKOD SA BANSA AT LIPUNAN AT LALONG HIGIT ANG MALASAKIT AT PAGMAMAHAL SA KAPATID SA KANYANG BALIKAT. ITO ANGTUNAY NA DIWA NG INYONG PAGYAKAP ANG IPAMALAS SA LOOB AT LABAS NG KAPATIRAN NA TAYONG MGA GUARDIANS AY ISANG TUNAY NA PILIPINO NA MAY MALASAKIT SA KABUTIHAN AT KAPAKANAN NG HIGIT NA NAKAKARAMING MAMAMAYAN”.
THE BRAIN AND FATHER OF ALL GUARDIANS (BFG ABRAHAM) AND THE BRAIN AND MOTHER OF ALL GUARDIANS (BMG SARAH) DURING PCGS REGIT COURTESY CALL AT THE UGB HEADQUARTERS IN PARANG MARIKINA


Ang isa sa pinaka importante sa lahat ng miyembro, dito natin tinatanggap ang ating mga kapatid sa GUARDIANS sa Pamamagitan ng isang kakaibang pakikipagkamay na tanging ang tunay na GUARDIANS lamang ang may kakayahang ipaliwanag ang bawat galaw nito. Kung tayo ay makikipagkamay at magyayapusan dito natin sinasabi ang ating pangalan at rangko at huwag tayong tumingin sa mukha ng ating kapatid na GUARDIANS kundi sa kanang kamay upang sa gayon ay malaman natin kung ito ba ay opisyales ng samahan o ka-level lamang. Kung opisyales tawagin sa rangko at pseudonym. Ipinagbabawal natin sa GIAGFBI ang pagtawag ng BRO/SIS kung ikaw ay mas mababa sa kanyang rango. Nangangahulugan na wala kang respecto sa kanyang rango. Gaya ng pagbibigay ng mataas na rango ay sinasabi natin sa kanya na “SIMULA SA ARAW NA ITO, KUNG ANO MAN ANG RESPETO NA IPINAGKALOOB SA AMIN AY YON DIN ANG IPAGKAKALOOB SAYO SIMULA SA ARAW NA ITO”
Ang incorporators ay ang pinakahaligi o pinunong national at pangkalahatang sumasaklaw sa buong pamamalakad ng organisasyon. Sila ang mga bumabalangkas ng ating konstitusyon at mga guidelines upang higit na mapalawak at maisaayos ang GIAGFBI sa pangkalahatang pamamalakad. Ang mga ranggong Incorporators ay Charter National Founder or CNF at ito ay panghabang buhay maliban na lamang kung sila ay lumisan or naalis sa GIAGFBI. Ang mga Incorporators ay mahalaga sa pagkat sila ang mga lehitimong lider ng ating hanay na nakarehistro sa Securities and Exchange Commission.
SINO-SINO ANG KINIKILALANG MGA PINUNO NG GIAGFBI?
Ang kinikilalang Chairman ng GIAGFBI ay si EDEN “PCGSGMF REGIT” E. COSTINAR. Sapagkat siya ang may pinakamalaking na contribute ng samahang ito, kaya siya ang napili na maging FOUNDING INTERNATIONAL CHAIRMAN (FIC) kasama ang anim (6) na Incorporators na sina. 1. Edgardo Decano 2. Ricardo Recta 3. Emilio Templonuevo 4. Antonio Jamon Jr. 5. Juliedan Balate 6. Glenn Cyrill Cervantes